Add parallel Print Page Options

14 Ang mga napadpad sa tinikan ay ang mga nakarinig ngunit sa kanilang pagpapatuloy ay sinakal ng kabalisahan, mga kayamanan at mga layaw ng buhay kaya't hindi nahinog ang kanilang bunga. 15 Ngunit ang mga nalaglag sa mabuting lupa ay iyong mga nakarinig ng salita at iningatan ito sa kanilang puso nang may katapatan at kabutihan kaya nagbunga ang kanilang pagtitiyaga.”

Ang Ilawan sa Ilalim ng Takalan(A)

16 “Walang nagsindi ng ilawan at pagkatapos ay magtatago nito sa takalan o kaya ay ilalagay sa ilalim ng higaan. Sa halip, ito ay ilalagay niya sa lalagyan upang makakita ng liwanag ang mga papasok.

Read full chapter