Font Size
Lucas 8:25-27
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Lucas 8:25-27
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
25 Sinabi niya sa kanila, “Nasaan ang inyong pananampalataya?” Natakot sila at namangha, at sinabi sa isa't isa, “Sino nga kaya ito, at nauutusan niya maging ang hangin at tubig, at sila'y sumusunod sa kanya?”
Pinagaling ni Jesus ang Lalaking Sinaniban ng Demonyo(A)
26 Si Jesus at ang mga alagad ay naglayag patungo sa bayan ng mga Geraseno,[a] na nasa tapat ng Galilea. 27 Pagdating niya sa lupaing iyon, sinalubong siya ng isang lalaking tagaroon na sinasaniban ng mga demonyo. Matagal na itong hindi nagsusuot ng damit at hindi tumitira sa bahay kundi sa mga libingan.
Read full chapterFootnotes
- Lucas 8:26 Geraseno: Sa ibang manuskrito ay Gadareno.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.