Add parallel Print Page Options

25 Pagkatapos, sinabi niya, “Nasaan ang inyong pananampalataya?”

Ngunit sila'y natakot at namangha. Sinabi nila sa isa't isa, “Sino kaya ito? Inuutusan niya pati ang hangin at ang tubig, at sinusunod naman siya ng mga ito!”

Ang Pagpapagaling sa Geraseno(A)

26 Dumaong sila sa lupain ng mga Geraseno,[a] katapat ng Galilea sa kabilang ibayo ng lawa. 27 Pagbaba ni Jesus sa bangka, sinalubong siya ng isang lalaking tagaroon na sinasapian ng mga demonyo. Matagal na itong hindi nagsusuot ng damit, ni ayaw ring tumira sa bahay kundi sa mga kuwebang libingan namamalagi.

Read full chapter

Footnotes

  1. 26 Geraseno: Sa ibang manuskrito'y Gergeseno; at sa iba nama'y Gadareno .