Add parallel Print Page Options

Pinagaling ni Jesus ang Lalaking Sinaniban ng Demonyo(A)

26 Si Jesus at ang mga alagad ay naglayag patungo sa bayan ng mga Geraseno,[a] na nasa tapat ng Galilea. 27 Pagdating niya sa lupaing iyon, sinalubong siya ng isang lalaking tagaroon na sinasaniban ng mga demonyo. Matagal na itong hindi nagsusuot ng damit at hindi tumitira sa bahay kundi sa mga libingan. 28 Nagsisigaw ito nang makita si Jesus, at nagpatirapa sa harap niya at sinabi nang malakas, “Ano ang pakialam mo sa akin Jesus, Anak ng Kataas-taasang Diyos? Nakikiusap ako na huwag mo akong pahirapan.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Lucas 8:26 Geraseno: Sa ibang manuskrito ay Gadareno.