Add parallel Print Page Options

28 Nang makita niya si Jesus, sumigaw siya at nagpatirapa sa harap niya. Nagsalita ng malakas. Sinabi niya: Ano ang kaugnayan natin sa isa’t isa, Jesus, Anak ng Kataas-taasang Diyos? Ipinamamanhik ko sa iyo, huwag mo akong pahirapan. 29 Sinabi ito ng lalaki sapagkat inutusan niya ang karumal-dumal na espiritu na lumabas mula sa lalaki. Kadalasan, hinuhuli siya ng demonyo. Siya ay binabantayan nila at iginagapos ng tanikala at pangaw. At pinapatid niya ang gapos. Pagkatapos niyang patirin ang gapos, itinaboy siya ng demonyo sa ilang.

30 Tinanong siya ni Jesus na sinasabi: Ano ang pangalan mo?

Sinabi niya: Hukbo. Ito ay sapagkat maraming demonyo ang nakapasok sa kaniya.

Read full chapter