Font Size
Lucas 8:3-5
Ang Salita ng Diyos
Lucas 8:3-5
Ang Salita ng Diyos
3 Kasama rin si Joana na asawa ni Chuza, na isang tagapangasiwa ng sambahayan ni Herodes. Kasama rin si Susana at ang marami pang iba. Naglilingkod sila sa kaniya ng mula sa kanilang mga ari-arian.
Ang Talinghaga Patungkol sa Manghahasik
4 Nagtipun-tipon ang napakaraming mga tao at ang mga nanggaling sa bawat lungsod ay pumunta sa kaniya. Nagsalita siya sa pamamagitan ng talinghaga.
5 Ang manghahasik ay lumabas upang ihasik ang kaniyang binhi. Sa kaniyang paghahasik ang ilan ay nahulog sa tabi ng daan at ito ay naapakan. Ito ay kinain ng mga ibon sa langit.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International