Font Size
Lucas 8:34-36
Ang Salita ng Diyos
Lucas 8:34-36
Ang Salita ng Diyos
34 Nang makita ng mga nagpapakain ng mga baboy ang nangyari, tumakbo silang palayo. At sa kanilang pag-alis, iniulat nila ito sa mga nasa lungsod at sa mga nasa karatig na kabukiran. 35 Ang mga tao ay pumunta roon upang tingnan kung ano ang nangyari. Pumunta sila kay Jesus at nakita nila ang lalaking nilabasan ng mga demonyo. Nakaupo siya sa paanan ni Jesus, may damit at nasa wastong pag-iisip. At natakot ang mga tao. 36 Ang mga nakakita rin ng nangyari ay nag-ulat sa kanila. Sinabi nila kung papaano gumaling ang lalaking inalihan ng mga demonyo.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International