Font Size
Lucas 8:35-37
Ang Biblia, 2001
Lucas 8:35-37
Ang Biblia, 2001
35 At dumating ang mga tao upang tingnan ang nangyari. Lumapit sila kay Jesus at kanilang nadatnan ang taong nilisan ng mga demonyo na nakaupo sa paanan ni Jesus na may damit at matino ang pag-iisip nito; at sila'y natakot.
36 Ibinalita sa kanila ng mga nakakita kung paano pinagaling ang inalihan ng mga demonyo.
37 At nakiusap kay Jesus[a] ang lahat ng mga tao sa palibot ng lupain ng mga Gadareno na umalis na siya sa kanila, sapagkat sila'y lubhang natakot. Siya'y sumakay sa bangka at bumalik.
Read full chapterFootnotes
- Lucas 8:37 Sa Griyego ay sa kanya .