Font Size
Lucas 8:40-42
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Lucas 8:40-42
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Anak ni Jairo at ang Babaing Humipo sa Damit ni Jesus(A)
40 Pagbalik ni Jesus, tinanggap siya ng mga tao sapagkat lahat sila ay naghihintay sa kanya. 41 Dumating ang isang lalaking nagngangalang Jairo. Siya ay pinuno ng sinagoga. Nagpatirapa siya sa paanan ni Jesus at nakiusap sa kanyang pumunta sa kanyang bahay 42 sapagkat ang kaisa-isa niyang anak na babaing labindalawang taong gulang ay naghihingalo.
Habang paalis na si Jesus, nagigitgit siya ng mga tao.
Read full chapter
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.