Font Size
Lucas 8:40-42
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Lucas 8:40-42
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Binuhay ang Anak ni Jairo at Pinagaling ang Babaing Cananea(A)
40 Pagbalik ni Jesus, masaya siyang tinanggap ng mga tao sapagkat siya'y hinihintay nila. 41 Dumating noon ang isang lalaking nagngangalang Jairo, isang tagapamahala ng sinagoga. Nagpatirapa ito at nakiusap kay Jesus na sumama sa kanyang bahay, 42 sapagkat ang kaisa-isa niyang anak na babae na maglalabindalawang taong gulang na ay naghihingalo.
Habang naglalakad si Jesus papunta sa bahay ni Jairo, sinisiksik siya ng mga tao.
Read full chapter