Add parallel Print Page Options

41 At noon ay dumating ang isang lalaking ang pangalan ay Jairo, na isang pinuno sa sinagoga. At pagluhod niya sa paanan ni Jesus, siya ay nakiusap sa kanya na pumunta sa kanyang bahay,

42 sapagkat siya'y mayroong kaisa-isang anak na babae, mga labindalawang taong gulang, at ito'y naghihingalo. Sa kanyang pagpunta, siniksik siya ng maraming tao.

43 May isang babae na labindalawang taon nang dinudugo,[a] at di mapagaling ng sinuman,

Read full chapter

Footnotes

  1. Lucas 8:43 Sa ibang mga kasulatan ay idinagdag ang: ginugol na niya ang lahat niyang kabuhayan sa mga manggagamot .