Font Size
Lucas 9:10-12
Ang Biblia, 2001
Lucas 9:10-12
Ang Biblia, 2001
Pinakain ni Jesus ang Limang Libong Tao(A)
10 Sa kanilang pagbabalik, ibinalita ng mga apostol kay Jesus[a] ang mga bagay na kanilang ginawa. Kanyang isinama sila at palihim na nagtungo sa isang bayan na tinatawag na Bethsaida.
11 Subalit nang malaman ito ng napakaraming tao, sila ay sumunod sa kanya. Sila'y masaya niyang tinanggap at nagsalita sa kanila tungkol sa kaharian ng Diyos at pinagaling niya ang mga nangangailangan ng pagpapagaling.
12 Nang patapos na ang araw na iyon, lumapit ang labindalawa at sinabi sa kanya, “Paalisin mo ang mga tao upang sila'y makapunta sa mga nayon at sa mga lupaing nasa palibot at makahanap ng matutuluyan at makakain, sapagkat tayo'y narito sa isang ilang na dako.”
Read full chapterFootnotes
- Lucas 9:10 Sa Griyego ay sa kanya .