Font Size
Lucas 9:32-34
Ang Salita ng Diyos
Lucas 9:32-34
Ang Salita ng Diyos
32 Si Pedro at ang mga kasama niya ay tulog na. Nang sila ay magising, nakita nila ang kaniyang kaluwalhatian at ang dalawang lalaking nakatayong kasama niya. 33 Nangyari, habang papaalissina Moises at Elias, na si Pedro ay nagsabi kay Jesus: Guro, mabuti para sa amin na kami ay narito. Gagawa kami ng tatlong kubol. Isa para sa iyo, isa para kay Moises at isa para kay Elias. Hindi alam ni Pedro kung ano ang sinasabi niya.
34 Samantalang sinasabi niya ito, lumitaw ang isang ulap at nililiman sila. Pagpasok nila sa ulap, sila ay natakot.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International