Font Size
Lucas 9:33-35
Ang Biblia, 2001
Lucas 9:33-35
Ang Biblia, 2001
33 At samantalang sila'y papalayo sa kanya, sinabi ni Pedro kay Jesus, “Panginoon, mabuti na tayo'y dumito. Gumawa tayo ng tatlong tolda, isa sa iyo, isa kay Moises, at isa kay Elias,” na hindi nalalaman ang kanyang sinabi.
34 Samantalang sinasabi niya ang mga bagay na ito, dumating ang isang ulap, at sila'y nililiman. Sila'y natakot nang sila'y pumasok sa ulap.
35 At(A) may tinig na nanggaling sa ulap na nagsasabi, “Ito ang aking Anak, ang aking Pinili,[a] makinig kayo sa kanya!”
Read full chapterFootnotes
- Lucas 9:35 Sa ibang mga kasulatan ay Minamahal .