Font Size
Lucas 9:34-36
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Lucas 9:34-36
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
34 Nagsasalita pa siya nang liliman sila ng ulap, at natakot sila nang matakpan sila nito. 35 May isang(A) tinig na nagsalita mula sa ulap, “Ito ang aking Anak, ang aking Hinirang.[a] Pakinggan ninyo siya!” 36 Nang mawala ang tinig, nakita nilang nag-iisa na si Jesus. Hindi muna ipinamalita ng mga alagad ang kanilang nakita.
Read full chapterFootnotes
- 35 ang aking Hinirang: Sa ibang manuskrito'y ang aking Minamahal .