Font Size
Lucas 24:13-16
Ang Biblia, 2001
Lucas 24:13-16
Ang Biblia, 2001
Ang Paglalakad Patungong Emaus(A)
13 Nang araw ding iyon, dalawa sa kanila ang patungo sa isang nayong tinatawag na Emaus, na may animnapung estadia[a] ang layo sa Jerusalem,
14 at pinag-uusapan nila ang tungkol sa lahat ng mga bagay na ito na nangyari.
15 Samantalang sila'y nag-uusap at nagtatanungan, si Jesus mismo ay lumapit at naglakbay na kasama nila.
16 Subalit ang kanilang mga mata ay hindi pinahihintulutan na makilala siya.
Read full chapterFootnotes
- Lucas 24:13 o katumbas ng halos pitong milya .