Lucas 24:33-40
Ang Biblia, 2001
33 Sa oras ding iyon ay tumayo sila at bumalik sa Jerusalem at naratnang nagkakatipon ang labing-isa at ang kanilang mga kasama.
34 Sinasabi nila, “Talagang bumangon ang Panginoon at nagpakita kay Simon!”
35 At isinalaysay nila ang mga bagay na nangyari sa daan at kung paanong siya'y nakilala nila nang pagputul-putulin niya ang tinapay.
Nagpakita si Jesus sa Kanyang mga Alagad(A)
36 Samantalang kanilang pinag-uusapan ang mga bagay na ito, si Jesus[a] ay tumayo sa gitna nila at sinabi sa kanila, “Sumainyo ang kapayapaan.”[b]
37 Subalit sila'y kinilabutan at natakot at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu.
38 Sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo'y natatakot at bakit may pag-aalinlangan sa inyong puso?
39 Tingnan ninyo ang aking mga kamay at mga paa, sapagkat ako nga ito. Hipuin ninyo ako, at tingnan, sapagkat ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.”
[40 Pagkasabi niya nito ay ipinakita niya sa kanila ang kanyang mga kamay at mga paa.]
Read full chapterFootnotes
- Lucas 24:36 Sa Griyego ay siya .
- Lucas 24:36 Sa ibang mga kasulatan ay wala ang at sinabi sa kanila, “Sumainyo ang kapayapaan.”