Lucas 6:6-11
Ang Biblia (1978)
6 At (A)nangyari nang ibang sabbath, na siya'y pumasok sa sinagoga at nagturo: at doo'y may isang lalake, at (B)tuyo ang kaniyang kanang kamay.
7 At (C)inaabangan siya ng mga eskriba at ng mga Fariseo, kung siya'y magpapagaling sa sabbath; upang makasumpong sila ng paraan na siya'y maisakdal.
8 Datapuwa't (D)nalalaman niya ang kanilang mga kaisipan; at sinabi niya sa lalake na tuyo ang kamay, Magtindig ka at tumayo ka sa gitna. At siya'y nagtindig at tumayo.
9 At sinabi sa kanila ni Jesus, Itinatanong ko sa inyo, Matuwid bagang gumawa ng magaling, o gumawa ng masama kung sabbath? magligtas ng isang buhay o pumuksa?
10 At (E)minamasdan niya silang lahat sa palibotlibot, at sinabi sa kaniya, Iunat mo ang iyong kamay. At ginawa niyang gayon; at gumaling ang kaniyang kamay.
11 Datapuwa't sila'y nangapuno ng galit; at (F)nangagsangusapan, kung ano ang kanilang magagawang laban kay Jesus.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978