Malakias 1:6-8
Ang Biblia, 2001
Pinangaralan ng Panginoon ang mga Pari
6 “Iginagalang ng anak ang kanyang ama, at ng mga utusan ang kanilang amo. Kung ako nga'y isang ama, nasaan ang karangalang nararapat sa akin? At kung ako'y amo, nasaan ang paggalang na para sa akin? sinasabi ng Panginoon ng mga hukbo sa inyo, O mga pari, na humahamak sa aking pangalan. Inyong sinasabi, ‘Paano namin hinamak ang iyong pangalan?’
7 Kayo'y naghahandog ng maruming pagkain sa aking dambana. At inyong sinasabi, ‘Paano ka namin nilapastangan?’ Sa inyong sinasabing ang hapag ng Panginoon ay hamak.
8 Kapag(A) kayo'y naghahandog ng mga bulag na hayop bilang alay, di ba masama iyon? At kapag kayo'y naghahandog ng pilay at may sakit, hindi ba masama iyon? Subukan mong ihandog iyon sa iyong gobernador, masisiyahan kaya siya sa iyo o papakitaan ka kaya niya ng kabutihan? sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
Read full chapter