Font Size
Malakias 2:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Malakias 2:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Sinabi rin ni Yahweh sa mga pari: 2 “Kung hindi ninyo ito papakinggan at isasapuso bilang pagpaparangal sa aking pangalan, susumpain ko kayo at ang mga pagpapalang tinatanggap ninyo bilang mga pari. Sa katunayan, sinumpa ko na ang mga iyon, sapagkat hindi ninyo isinasapuso ang aking utos. 3 Paparusahan ko ang inyong mga anak at ipapahid ko sa inyong mukha ang dumi ng mga hayop na inihahandog ninyo sa panahon ng mga kapistahan. Itatapon din kayo sa tambakan ng dumi.
Read full chapter