Add parallel Print Page Options

Tulad ng inyong mga ninuno, hindi kayo sumunod sa aking mga tuntunin. Manumbalik kayo sa akin, ang Panginoong Makapangyarihan, at babalik[a] ako sa inyo. Pero itinatanong ninyo, ‘Paano kami manunumbalik sa inyo?’ Magtatanong din ako sa inyo, maaari bang nakawan ng tao ang Dios? Parang imposible. Pero ninanakawan ninyo ako. At itinatanong inyo, ‘Paano namin kayo ninanakawan?’ Ninanakawan ninyo ako dahil hindi ninyo ibinibigay ang inyong mga ikapu[b] at mga handog. Iyan ang dahilan kung bakit ko isinumpa ang buong bansa.

Read full chapter

Footnotes

  1. 3:7 babalik: o, tutulong.
  2. 3:8 ikapu: Tungkulin ng mga Israelita na magbigay sa Panginoon ng ikapu ng kanilang mga ani at mga hayop (Lev. 27:30–33; Deu. 14:22-29).