Add parallel Print Page Options

Pero kayong may paggalang sa akin ay ililigtas ko gaya ng pagsikat ng araw[a] na ang sinag nito ay nagbibigay ng kabutihan. At lulundag kayo sa tuwa, na parang mga guyang pinakawalan sa kulungan. Pagdating ng araw na isakatuparan ko na ang mga bagay na ito, lilipulin ninyo ang masasama na parang alikabok na tinatapakan.

“Sundin ninyo[b] ang Kautusang ibinigay ng aking lingkod na si Moises. Ang mga utos at mga tuntuning iyan ay ibinigay ko sa kanya doon sa Bundok ng Sinai[c] upang sundin ng lahat ng mamamayan ng Israel.

Read full chapter

Footnotes

  1. 4:2 ililigtas … araw: sa literal, sisikatan ng araw ng katuwiran.
  2. 4:4 Sundin ninyo: sa literal, Alalahanin ninyo.
  3. 4:4 Bundok ng Sinai: sa Hebreo, Horeb.