Font Size
Mangangaral 1:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mangangaral 1:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
5 Ang araw ay patuloy sa pagsikat at patuloy sa paglubog; pabalik-balik lang sa pinanggalingan. 6 Ang hangin ay umiihip patungong timog, papuntang hilaga, buong araw na paikut-ikot. 7 Lahat ng tubig ay umuuwi sa dagat ngunit hindi ito napupuno. Ang tubig ay bumabalik sa batis na pinagmulan upang muling umagos patungong karagatan.
Read full chapter