Font Size
Mangangaral 11:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mangangaral 11:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
5 Kung hindi mo maaaring malaman kung paanong ang hininga ay pumapasok sa katawan ng isang sanggol na nasa sinapupunan ng kanyang ina, lalong hindi maaabot ng isip mo kung paano ginagawa ng Diyos ang lahat ng bagay. 6 Sa umaga, inihahasik mo ang iyong binhi. Hindi ka tumitigil sa paggawa hanggang gabi sapagkat di mo tiyak kung alin ang magbibigay sa iyo ng tagumpay. O kaya'y umaasa kang lahat ay iyong papakinabangan.
7 Masarap ang nasa liwanag at kay gandang pagmasdan ang araw.
Read full chapter