Font Size
Mangangaral 12:11-13
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Mangangaral 12:11-13
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
11 Ang mga salita ng marunong ay parang matulis na tungkod na pantaboy ng pastol sa paggabay sa kanyang kawan o parang pakong nakabaon. Ibinigay ito ng Dios na tangi nating tagabantay.
12 Anak, mag-ingat ka sa isa pang bagay na ito: Ang pagsusulat ng aklat ay walang katapusan, at ang labis na pag-aaral ay nakakapagod.
13 Ngayong nabasa[a] mo na ang lahat ng ito, ito ang aking huling payo: Matakot ka sa Dios at sundin mo ang kanyang mga utos, dahil ito ang tungkulin ng bawat tao.
Read full chapterFootnotes
- 12:13 nabasa: sa Hebreo, narinig. Nag-aaral noon ang mga Israelita sa pamamagitan ng pakikinig.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®