Add parallel Print Page Options

Darating ang araw na manginginig ang iyong mga bisig[a] at manghihina ang iyong mga tuhod.[b] Hindi ka na makakanguyang mabuti dahil iilan na lang ang iyong ngipin.[c] At lalabo na ang iyong paningin.[d] Ang tainga[e] moʼy hindi na halos makarinig, kahit ang ingay ng gilingan o huni ng mga ibon o mga awitin ay hindi na marinig. Matatakot ka ng umakyat sa matataas na lugar o lumakad sa lansangan ng nag-iisa. Puputi na ang iyong buhok, hindi ka na halos makakalakad at mawawala na ang lahat ng iyong pagnanasa. Sa bandang huli, pupunta ka sa iyong tahanang walang hanggan at marami ang magluluksa para sa iyo sa mga lansangan.

Read full chapter

Footnotes

  1. 12:3 bisig: sa literal, mga bantay ng bahay.
  2. 12:3 tuhod: sa literal, malalakas na lalaki.
  3. 12:3 ngipin: sa literal, mga babaeng tagagiling ng butil.
  4. 12:3 paningin: sa literal, mga babaeng nakasilip sa bintana.
  5. 12:4 tainga: sa literal, mga pintuang bayan.