Font Size
Mangangaral 2:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mangangaral 2:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Kamangmangan ang Maging Makasarili
2 Sinabi ko sa aking sarili, “Halika, subukan mo kung ano ang kahulugan ng kaligayahan; magpakasaya ka!” Subalit ito man ay walang kabuluhan.[a] 2 Ang halakhak ay ipinalagay kong kahangalan at ang kaligayahan ay walang kabuluhan.[b] 3 Sa pagnanasa kong makamit ang karunungan, ipinasya kong magpakalasing sa alak. Sa loob-loob ko'y ito na ang pinakamainam na dapat gawin ng tao sa maikling panahong ilalagi niya sa mundong ito.
Read full chapter