Font Size
Mangangaral 2:14-16
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mangangaral 2:14-16
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
14 Nalalaman ng marunong ang kanyang patutunguhan ngunit hindi alam ng mangmang ang kanyang hangganan. Ngunit nabatid ko ring iisa ang hantungan ng lahat. 15 Sinabi ko sa aking sarili, “Ang sinapit ng mangmang ay siya mo ring sasapitin. Ano nga ba ang napala mo sa labis na pagpapakarunong?” At naisip kong ito man ay wala ring kabuluhan.[a] 16 Pagkat kung paanong ang mangmang ay nalilimutan pagdating ng araw, gayon din ang lahat ay mamamatay, maging ang marunong man, o ang mangmang.
Read full chapterFootnotes
- 15 wala ring kabuluhan: o kaya'y isang palaisipan .