Add parallel Print Page Options

15 Sinabi ko sa aking sarili, “Ang sinapit ng mangmang ay siya mo ring sasapitin. Ano nga ba ang napala mo sa labis na pagpapakarunong?” At naisip kong ito man ay wala ring kabuluhan.[a] 16 Pagkat kung paanong ang mangmang ay nalilimutan pagdating ng araw, gayon din ang lahat ay mamamatay, maging ang marunong man, o ang mangmang. 17 Kaya't kinamuhian ko ang buhay sapagkat pawang kahirapan lamang ang idinulot nito sa akin. Lahat nga ay walang kabuluhan,[b] at tulad lang ito ng paghahabol sa hangin.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mangangaral 2:15 wala ring kabuluhan: o kaya'y isang palaisipan .
  2. Mangangaral 2:17 walang kabuluhan: o kaya'y isang palaisipan .