Add parallel Print Page Options

17 Kaya't kinamuhian ko ang buhay sapagkat pawang kahirapan lamang ang idinulot nito sa akin. Lahat nga ay walang kabuluhan,[a] at tulad lang ito ng paghahabol sa hangin.

18 Wala na ring halaga sa akin ang lahat ng pinagpaguran ko sa mundong ito sapagkat ito'y maiiwan lamang sa susunod sa akin. 19 At sino ang nakakatiyak kung siya'y marunong o mangmang? Gayunman, siya pa rin ang magmamana sa lahat ng mga pinagpaguran ko at ginamitan ng karunungan sa mundong ito. Ito ma'y walang kabuluhan.[b]

Read full chapter

Footnotes

  1. Mangangaral 2:17 walang kabuluhan: o kaya'y isang palaisipan .
  2. Mangangaral 2:19 walang kabuluhan: o kaya'y isang palaisipan .