Font Size
Mangangaral 2:24-26
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mangangaral 2:24-26
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
24 Ang(A) mabuti pa sa tao'y kumain at uminom, at pakinabangan ang bunga ng kanyang pinagpaguran. Alam kong ang lahat ng ito ay kaloob ng Diyos. 25 Kung wala ang Diyos, sino pa ba ang makakakain o makakaranas ng kasiyahan? 26 Ang(B) karunungan, kaalaman, at kaligayahan ay ipinagkakaloob ng Diyos sa lahat ng kinalulugdan niya. Ang makasalana'y pinagtatrabaho niya at pinag-iimpok upang ibigay lamang ito sa gusto niyang pagbigyan. Ito man ay walang kabuluhan,[a] tulad lang ng paghahabol sa hangin.
Read full chapterFootnotes
- 26 walang kabuluhan: o kaya'y isang palaisipan .