Font Size
Mangangaral 2:7-9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mangangaral 2:7-9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
7 Bumili(A) ako ng mga aliping babae at lalaki. Ang mga alipin ko'y nagkaanak na sa aking tahanan. Ang kawan ko'y ubod ng dami, walang kasindami kung ihahalintulad sa kawan ng mga haring nauna sa akin. 8 Nakaipon(B) ako ng napakaraming pilak at ginto mula sa mga lupaing nasasakupan ko. Marami akong mang-aawit na babae't lalaki. Marami akong asawa at pawang magaganda. Wala nang hahanapin pa ang isang lalaki, lalo na kung tungkol din lang sa babae.
9 Higit(C) akong dinakila kaysa sinumang haring nauna sa akin. Taglay ko pa rin ang aking karunungan.
Read full chapter