Add parallel Print Page Options

Ngunit mas mabuti pa ang isang dakot na may katahimikan, kaysa dalawang dakot ng pagpapakapagod, at paghahabol sa hangin.

Mayroon pang ibang mga bagay sa mundong ito na nakita kong walang kabuluhan:[a] ang isang taong nag-iisa sa buhay, walang kaibigan ni kamag-anak ngunit walang tigil sa pagtatrabaho. Wala siyang kasiyahan. Ni hindi niya itinatanong sa sarili kung kanino mauuwi ang kanyang pinagpaguran. Ito man ay walang kabuluhan,[b] isang miserableng pamumuhay.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mangangaral 4:7 walang kabuluhan: o kaya'y isang palaisipan .
  2. Mangangaral 4:8 walang kabuluhan: o kaya'y isang palaisipan .