Add parallel Print Page Options

14 Nauubos ito dahil sa hindi mabuting negosyo at wala ng matitira para sa mga anak niya. 15 Kung paanong hubad tayong ipinanganak mula sa sinapupunan ng ating ina, hubad din tayong mamamatay. Hindi natin madadala ang ating mga pinaghirapan. 16 Napakalungkot isipin! Ipinanganak tayong walang dala, mamamatay tayong walang dala. Kaya ano pa ang saysay ng mga pagpapakahirap natin? Para lang tayong humahabol sa hangin na walang napapala.

Read full chapter