Font Size
Mangangaral 5:15-17
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Mangangaral 5:15-17
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
15 Kung paanong hubad tayong ipinanganak mula sa sinapupunan ng ating ina, hubad din tayong mamamatay. Hindi natin madadala ang ating mga pinaghirapan. 16 Napakalungkot isipin! Ipinanganak tayong walang dala, mamamatay tayong walang dala. Kaya ano pa ang saysay ng mga pagpapakahirap natin? Para lang tayong humahabol sa hangin na walang napapala. 17 Ang buhay natin ay puno ng kahirapan, kaguluhan, sakit at galit.
Read full chapter
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®