Add parallel Print Page Options

Kapag nangako ka sa Dios, tuparin mo agad ito. Tuparin mo ang ipinangako mo sa kanya dahil hindi siya natutuwa sa mga hangal na hindi tumutupad sa mga pangako. Mas mabuti pang huwag ka na lang mangako kaysa mangako ka at hindi mo naman tutuparin. Huwag kang magkasala sa iyong pagsasalita. At huwag mong sabihin sa pari[a] na nasa templo na hindi mo sinasadya ang iyong pangako sa Dios. Dahil magagalit ang Dios kung gagawin mo ito at sisirain niya ang lahat ng pinaghirapan mo.

Read full chapter

Footnotes

  1. 5:6 pari: sa literal, mensahero; o, anghel. Sa tekstong Septuagint at Syriac, Dios.