Font Size
Mangangaral 5:6-8
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Mangangaral 5:6-8
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
6 Huwag kang magkasala sa iyong pagsasalita. At huwag mong sabihin sa pari[a] na nasa templo na hindi mo sinasadya ang iyong pangako sa Dios. Dahil magagalit ang Dios kung gagawin mo ito at sisirain niya ang lahat ng pinaghirapan mo. 7 Ang sobrang pananaginip at pagsasalita ay walang kabuluhan. Sa halip, matakot ka sa Dios.
Walang Kabuluhan ang Kayamanan
8 Huwag kang magtaka kung makita mo sa inyong lugar na ang mga mahihirap ay inaapi at pinagkakaitan ng katarungan at karapatan. Dahil ang mga pinunong gumigipit sa kanila ay inaalagaan ng mas nakatataas na pinuno, at ang dalawang ito ay inaalagaan ng mas mataas pang pinuno.
Read full chapterFootnotes
- 5:6 pari: sa literal, mensahero; o, anghel. Sa tekstong Septuagint at Syriac, Dios.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®