Font Size
Mangangaral 6:3-5
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mangangaral 6:3-5
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
3 Mabuti pang di hamak ang sanggol na ipinanganak na patay kaysa isang taong nagkaanak ng 100 at nabuhay nang matagal ngunit hindi naranasan ang maging masaya at hindi pinarangalan nang siya ay ilibing. 4 Wala ring kabuluhang[a] matatamo ang isang sanggol kahit siya ipanganak sapagkat mamamatay din siya at malilimutan. 5 Hindi nito nakita ang araw ni natikman ang mabuhay, ngunit mayroon naman siyang ganap na kapayapaan.
Read full chapterFootnotes
- 4 Wala ring kabuluhan: o kaya'y isang palaisipan .