Font Size
Mangangaral 7:9-11
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mangangaral 7:9-11
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
9 Pag-aralan(A) mong magpigil sa sarili;
mangmang lamang ang nagtatanim ng galit.
10 Huwag mong itatanong kung bakit mabuti noong araw kaysa ngayon,
pagkat iya'y tanong na walang katuturan.
11 Ang taong nagtataglay ng karunungan ay higit na mainam kaysa minamanang kayamanan.