Add parallel Print Page Options

Walang katulad ang taong marunong na kayang magpaliwanag ng mga bagay. Ang karunungan ng taoʼy nakapagpapasaya ng mukha, at ang simangot ay nawawala.

Sundin ang Hari

Sundin mo ang utos ng hari, dahil ipinangako mo sa Dios na gagawin mo ito. Huwag mong pababayaan ang tungkulin mo sa hari, at huwag kang sasama sa mga nagpaplano ng masama laban sa kanya,[a] dahil kayang gawin ng hari ang anumang gustuhin niya.

Read full chapter

Footnotes

  1. 8:3 Huwag kang … sa kanya: o, Huwag kang aalis sa harapan ng hari; huwag kang pumunta sa delikadong lugar.