Font Size
Mangangaral 8:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mangangaral 8:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
8 Sino ang ipapantay sa taong matalino na nakakasaliksik sa lahat ng bagay? Ang karunungan ay nagpapasaya sa mukha ng tao; pati ang matigas na anyo ng mukha ay nawawala.
Sundin ang Hari
2 Sundin mo ang utos ng hari, at huwag padalus-dalos sa pagbibitaw ng pangako sa Diyos. 3 Lumayo ka sa harap ng hari at huwag mong ipagpipilitan ang anumang labag sa kalooban niya sapagkat maaari niyang gawin ang lahat ng magustuhan niya.
Read full chapter