Add parallel Print Page Options

10 Nakita ko ring ibinuburol ang masasama. Sila ang laging pumapasok sa banal na lungsod ng Jerusalem at doon gumagawa ng kasamaan. At pinupuri[a] pa sila ng mga taong taga-roon mismo sa lugar na ginagawan nila ng kasamaan. Wala itong kabuluhan.

11 Kapag ang taong nagkasalaʼy hindi agad pinarusahan, naiisip din ng iba na gumawa ng kasalanan. 12 Kahit ang isang taoʼy magkasala ng isandaang beses at mabuhay pa nang matagal, alam kong mas mabuti pa rin ang kahihinatnan ng taong may takot sa Dios.

Read full chapter

Footnotes

  1. 8:10 pinupuri: Ito ang nasa Septuagint at ibang tekstong Hebreo. Pero karamihan sa tekstong Hebreo, kinakalimutan.