Font Size
Mangangaral 8:2-4
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mangangaral 8:2-4
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Sundin ang Hari
2 Sundin mo ang utos ng hari, at huwag padalus-dalos sa pagbibitaw ng pangako sa Diyos. 3 Lumayo ka sa harap ng hari at huwag mong ipagpipilitan ang anumang labag sa kalooban niya sapagkat maaari niyang gawin ang lahat ng magustuhan niya. 4 Ang utos ng hari ay di mababali at walang makakatutol sa anumang gawin niya.
Read full chapter