Font Size
Mangangaral 8:7-9
Magandang Balita Biblia
Mangangaral 8:7-9
Magandang Balita Biblia
7 Walang makakapagsabi kung ano ang maaaring mangyari at kung paano ito magaganap. 8 Kung paanong di mapipigil ng tao ang hangin, gayon din hindi niya mapipigil ang pagdating ng kamatayan. Sa panahon ng digmaan, walang mapagtataguan; hindi tayo makakatakas. 9 Lahat ng ito'y nakita ko habang pinagmamasdan ang mga pangyayari sa buong mundo, ang iba'y may kapangyarihan, at ang iba naman ay api-apihan.
Read full chapter
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.