Mangangaral 8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
8 Sino ang ipapantay sa taong matalino na nakakasaliksik sa lahat ng bagay? Ang karunungan ay nagpapasaya sa mukha ng tao; pati ang matigas na anyo ng mukha ay nawawala.
Sundin ang Hari
2 Sundin mo ang utos ng hari, at huwag padalus-dalos sa pagbibitaw ng pangako sa Diyos. 3 Lumayo ka sa harap ng hari at huwag mong ipagpipilitan ang anumang labag sa kalooban niya sapagkat maaari niyang gawin ang lahat ng magustuhan niya. 4 Ang utos ng hari ay di mababali at walang makakatutol sa anumang gawin niya. 5 Ang masunurin ay di mapapahamak at alam ng matalino kung ano ang dapat gawin, kung kailan, at kung paano dapat isagawa. 6 May kanya-kanyang panahon at paraan para sa lahat ng bagay ngunit di natin ito lubusang nalalaman. 7 Walang makakapagsabi kung ano ang maaaring mangyari at kung paano ito magaganap. 8 Kung paanong di mapipigil ng tao ang hangin, gayon din hindi niya mapipigil ang pagdating ng kamatayan. Sa panahon ng digmaan, walang mapagtataguan; hindi tayo makakatakas. 9 Lahat ng ito'y nakita ko habang pinagmamasdan ang mga pangyayari sa buong mundo, ang iba'y may kapangyarihan, at ang iba naman ay api-apihan.
10 May nakita akong masasamang taong inilibing ngunit pag-uwi ng mga nakipaglibing ang masamang yaon ay pinupuri sa lugar na ginawan niya ng kasamaan. Ito man ay walang kabuluhan.[a] 11 Ang hatol sa kasamaan ay di agad iginagawad kaya naman ang tao'y nawiwili sa paggawa ng masama. 12 Kung sabagay, daan-daan man ang kasamaang gawin ng masama ay wala ring mawawala sa taong nabubuhay nang matuwid pagkat siya'y may takot sa Diyos. 13 Ngunit ang kasamaan ng masama ay di makakabuti sa kanya; mamumuhay silang parang anino at maaga silang mamamatay sapagkat hindi sila natatakot sa Diyos.
14 Narito pa ang isang bagay sa ibabaw ng lupa na walang kabuluhan:[b] ang kaparusahang para sana sa masama ay sa mabuti nangyayari at ang dapat namang mangyari sa mabuti ay sa masama nangyayari. Sa palagay ko, ito man ay walang kabuluhan. 15 Kaya para sa akin, ang tao'y dapat magpakasaya sa buhay. Walang pinakamabuti kundi kumain, uminom at magsaya. Ito ay magagawa niya habang siya'y nabubuhay at nagpapakapagod sa mundong ito.
16 Habang iniisip ko ang mga pangyayari sa daigdig, lalo akong naniniwalang kahit mag-isip nang mag-isip ang tao araw-gabi, 17 hindi niya mauunawaan ang mga gawa ng Diyos. Kahit ano pa ang kanyang pagpaguran sa mundong ito, hindi niya ito mauunawaan. Maaaring ipalagay ng matalino na alam niya ang bagay na ito ngunit ang totoo'y wala siyang nalalaman.
Eclesiastés 8
Nueva Biblia de las Américas
8 ¿Quién es como el sabio?
¿Y quién otro sabe la explicación de un asunto?
La sabiduría del hombre ilumina su rostro
Y hace que la dureza de su rostro cambie(A).
2 Yo digo: «Guarda el mandato[a] del rey por causa del juramento de Dios(B). 3 No te apresures a irte de su presencia(C). No te unas a una causa impía, porque él hará todo lo que le plazca». 4 Puesto que la palabra del rey es soberana, ¿quién le dirá: «¿Qué haces(D)?»?
5 ¶El que guarda el mandato(E) real no experimenta ningún mal(F);
Porque el corazón del sabio conoce el tiempo y el modo de hacerlo.
6 Porque para cada deleite hay un tiempo y un modo(G),
Aunque la aflicción del hombre sea mucha sobre él.
7 Si nadie sabe qué sucederá(H),
¿Quién le anunciará cómo ha de suceder?
8 No hay hombre que tenga potestad para refrenar el viento con el viento,
Ni potestad sobre el día de la muerte(I).
No se da licencia en tiempo de guerra,
Ni la impiedad salvará a los que la practican[b](J).
9 Todo esto he visto, y he puesto mi corazón en toda obra que se hace bajo el sol, cuando el hombre domina a otro hombre para su mal(K).
10 También he visto a los impíos ser sepultados, los que entraban y salían del lugar santo, y que fueron pronto olvidados(L) en la ciudad en que así habían actuado. También esto es vanidad. 11 Porque la sentencia contra una mala obra no se ejecuta enseguida(M), el corazón de los hijos de los hombres está en ellos entregado enteramente a hacer el mal(N). 12 Aunque el pecador haga el mal cien veces y alargue su vida(O), con todo, yo sé que les irá bien a los que temen a Dios(P), a los que temen ante Su presencia. 13 Pero no le irá bien al impío(Q), ni alargará sus días como una sombra(R), porque no teme ante la presencia de Dios.
14 Hay una vanidad que se hace sobre la tierra: hay justos a quienes les sucede[c] conforme a las obras de los impíos(S), y hay impíos a quienes les sucede[d] conforme a las obras de los justos(T). Digo que también esto es vanidad. 15 Por tanto yo alabé el placer, porque no hay nada bueno para el hombre bajo el sol sino comer, beber y divertirse(U), y esto le acompañará en sus afanes[e] en los días de su vida que Dios le haya dado bajo el sol.
16 Cuando apliqué mi corazón a conocer la sabiduría y a ver la tarea que ha sido hecha sobre la tierra(V) (aunque uno no durmiera[f] ni de día ni de noche(W)), 17 y vi toda la obra de Dios, decidí que el hombre no puede descubrir la obra que se ha hecho(X) bajo el sol. Aunque el hombre busque con afán, no la descubrirá; y aunque el sabio diga que la conoce, no puede descubrirla(Y).
Nueva Biblia de las Américas™ NBLA™ Copyright © 2005 por The Lockman Foundation
