Add parallel Print Page Options

At dumating nga sa ilang si Juan na Tagapagbautismo na nangangaral,[a] “Pagsisihan ninyo't talikuran ang inyong mga kasalanan at pabautismo kayo, upang kayo'y patawarin ng Diyos.” Halos lahat ng taga-Judea at taga-Jerusalem ay pumunta kay Juan. Ipinahayag nila ang kanilang mga kasalanan at sila'y binautismuhan niya sa Ilog Jordan.

Ang(A) damit ni Juan ay yari sa balahibo ng kamelyo, at balat naman ng hayop ang kanyang sinturon. Ang kanya namang pagkain ay balang at pulot-pukyutan.

Read full chapter

Footnotes

  1. 4 At dumating…na nangangaral: Sa ibang manuskrito'y At dumating nga sa ilang si Juan, na nagbabautismo at nangangaral .