Add parallel Print Page Options

Ang damit ni Juan ay gawa sa balahibo ng kamelyo at ang sinturon niyaʼy gawa sa balat ng hayop. Ang kanyang kinakain ay balang at pulot pukyutan. Ito ang ipinapahayag niya, “May isang darating na kasunod ko, mas makapangyarihan siya kaysa sa akin at hindi man lang ako karapat-dapat na maging alipin niya.[a] Binabautismuhan ko kayo sa tubig, ngunit babautismuhan niya kayo sa Banal na Espiritu.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:7 Hindi man lang ako karapat-dapat na maging alipin niya: sa literal, Hindi man lang ako karapat-dapat yumuko para magkalag ng tali ng kanyang sandalyas.