Font Size
Marcos 1:6-8
Ang Salita ng Diyos
Marcos 1:6-8
Ang Salita ng Diyos
6 Ang damit ni Juan ay yari sa balahibo ng kamelyo, at sa baywang niya ay may pamigkis na katad. Balang at pulut-pukyutan ang kaniyang kinakain. 7 Kaniyang ipinapangaral ang ganito: Ang sumusunod sa hulihan ko ay higit na makapangyarihan kaysa sa akin. Hindi ako karapat-dapat yumukod at magkalag ng tali ng kaniyang mga panyapak. 8 Binabawtismuhan ko kayo sa tubig, ngunit babawtismuhan niya kayo sa Banal na Espiritu.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International