Add parallel Print Page Options

27 Ngunit tiningnan sila ni Jesus at sinabi: Ang mga ito ay hindi maaaring magawa ng mga tao subalit hindi gayon sa Diyos sapagkat ang lahat ng mga bagay ay maaaring magawa ng Diyos.

28 Pagkatapos, si Pedro ay nagsimulang magsabi sa kaniya: Narito, iniwan namin ang lahat at sumunod sa iyo.

29 Sumagot si Jesus at sinabi: Katotohanang sinasabi ko sa inyo: May mga taong nag-iwan ng bahay, o mga kapatid na lalaki, o mga kapatid na babae, o ama, o ina, o asawang babae, o mga anak o mga bukid dahil sa akin at dahil sa ebanghelyo.

Read full chapter