Font Size
Marcos 11:15-17
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Marcos 11:15-17
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Si Jesus sa Templo(A)
15 Pagdating nila sa Jerusalem, pumasok siya sa templo at sinimulan niyang itaboy ang mga nagbibili at ang mga namimili roon. Pinagtataob niya ang mga mesa ng mga nagpapalit ng salapi, pati na ang mga upuan ng mga nagbibili ng mga kalapati. 16 Hindi niya pinahintulutang makapasok sa templo ang sinumang may mga dalang paninda. 17 Tinuruan (B) niya ang mga tao at sinabi niya, “Hindi ba nasusulat,
‘Ang aking bahay ay tatawaging bahay-dalanginan ng lahat ng bansa?’
Ngunit ginawa ninyo itong ‘pugad ng mga magnanakaw!’ ”
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.